Celebrity Life

Ai-Ai delas Alas, balik-Kapuso na?

By CHERRY SUN

Kasabay ng usap-usapang magbabalik-telebisyon si Willie Revillame sa GMA Network ay ang matunog ding pagbabalik-Kapuso raw ni Ai-Ai delas Alas.

READ: Willie Revillame, to launch Wowowin in GMA Network 

Tila nagpahiwatig din si Christian Bautista na malapit na niyang makatrabaho ang beteranang komedyante sa isang show sa Kapuso network.

Makikita sa kanyang Instagram account ang litrato niya kasama si Ai-Ai at si Tom Rodriguez. Ito ay may panimulang caption na “new show??”



Unang naging Kapuso si Ai-Ai noong 90s nang makasama siya sa mga programang Lunch Date, Salo-salo Together at 1 For 3, kung saan nakasama niya si Bossing Vic Sotto.