Celebrity Life

Mikael Daez, proud sa success ng 'Ismol Family'

By AEDRIANNE ACAR

Proud at happy ang Kapuso hunk and comedian na si Mikael Daez na malapit na ang first year anniversary ng kanyang sitcom na Ismol Family.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa contract renewal ni Mikael sa Kapuso Network, sinabi nito na bigla na lang daw na-realize ng buong cast habang nag-te-taping ng Ismol na malapit na nila maabot ang one year milestone ng show.

Kuwento ni Mikael, “Ang saya. Actually, nag-reminisce kami kahapon lang. Kahapon medyo matagal ‘yung taping namin kasi bumabangko kami. Pero at the same time na-realize nga namin lahat.”

“May isang nagsabi na guys lapit na tayo mag one year and nagpapizza kami and everything. It’s such a fun set, napakasaya naming lahat.”

Nakakataba din daw ng puso na todo ang suporta ng mga Kapuso televiewers sa kanilang sitcom.

“Napakasaya ng audience namin pagnanunood sila. On Twitter kitang-kita, nababasa namin. ”

Dagdag niya, “So wala na ako mahihingi doon. I mean, one year sitcom kung kelan medyo konti na lang ‘yung sitcoms ngayon, so happy kami lahat.”