Celebrity Life

Carla Abellana on relationship with Tom Rodriguez: 'Walang label, walang expectation, walang rules'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Habang ginagawa nila ang teleseryeng My Destiny, naging maugong ang balitang nagkakamabutihan sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Lalo pa itong naging maingay nang kuning date ni Carla si Tom sa kasal ng kanyang kaibigang si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero last February 15 sa Balesin.

Una nang nagbigay ng pahayag si Tom tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon, kaya naman sa contract signing ni Carla noong Lunes, March 23, ay hindi pinalagpas ng entertainment press na hingin ang kanyang opinyon sa sinabi ni Tom na walang label ang kanilang relationship.

"Wala pa ring label. Pareho kaming natatakot na lagyan ng label. Pareho kaming natatakot na tanungin ang isa't isa kung ano ba ang title o label. Kumbaga we're just going with the flow lang, let things happen on its own," pahayag ng aktres.

Aniya, mas mabuti ang ganitong arrangement dahil walang pressure on both parties.

"Wala din namang rules, walang ganun. I guess we're not closing our doors. Like I said, walang label, walang expectation, walang rules."

May iba bang nanliligaw sa kanya?

"Wala, takot na sila (laughs)! Takot na sila lumapit or mag-'Hi', 'Hello'. Parang wala, wala naman."

Open din daw si Carla na sa posibilidad na hindi si Tom ang magiging leading man niya sa kanyang next project sa Kapuso network.

"Hindi ko alam. Ang alam ko hindi, but we'll see. Anything's possible, puwede namang magkaroon ng biglaang changes. We'll see. Maganda din 'yung at least magkaroon ako ng ibang leading man, at siya din naman magkaroon ng ibang leading lady, para rin maiba."