News
TRIVIA: 'Bakekang' child stars noon at ngayon

Naaalala n'yo pa ba ang 'Bakekang' child stars na sina Kristal at Charming?
Sila ay nakilala bilang mga anak ng aktres na si Sunshine Dizon sa naturang teleserye noon.
Si Jolina Marie “Krystal” Reyes ang gumanap bilang batang Kristal at si Eunice Lagusad naman ang gumanap bilang batang Charming.
Ang 'Bakekang' ay ipinalabas noong 2006 sa GMA Telebabad.
Lubos na minahal ng mga manonood ang karakter nina Kristal at Charming.
Narito ang mga dapat niyong malaman tungkol sa buhay ng 'Bakekang' child stars na sina Krystal at Eunice.













