advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Different looks of Marian Rivera as Miss Universe 2021 judge

1 of 11

Silky Cream Dress

Isa sa unang isinuot ni Marian sa Israel bilang Miss Universe 2021 judge ay ang bell sleeved at ankle-length na cream silk dress na bumagay sa kaniyang pagiging mestisa.

2 of 11

Jenny Packham Dress

Sa preliminary competition, isinuot ni Marian ang simple pero eleganteng crystal-embellished black dress mula sa British fashion designer na si Jenny Packham.

3 of 11

Steph Tan Dress

Looking fine at fierce naman si Marian suot ang white Steph Tan dress na isa sa kaniyang mga outfit bilang hurado sa nagdaang beauty pageant. Ipinost pa ni Marian sa kaniyang Instagram account ang larawan niya habang suot ang dress na ito.

"Managed to take a quick snap in between schedules," sulat ni Marian.

advertisement
4 of 11

Morning Look

Fresh ang morning look ni Marian suot ang white robe na bumagay sa kaniyang wavy at silky hair. "Just about to start my day… Good morning!" caption ni Marian sa kaniyang post bago sumalang sa coronation night.

5 of 11

Judge Marian

White turtleneck outfit naman ang isinuot ni Marian habang binabasa ang profiles ng Miss Universe 2021 candidates.

6 of 11

Goddess

Mala-dyosa rin ang dating ni Marian suot ang bell sleeved at pink silky dress habang naghahanda sa Miss Universe 2021 coronation night.

advertisement
7 of 11

Francis Libiran Gown

Sumabay sa ingay ng #MissUniverse2021 pageant online ang much-awaited look ni Marian sa coronation night. Isinuot ng aktres ang pink and sexy off-shoulder gown na gawa ng renowned Filipino fashion designer na si Francis Libiran.

8 of 11

Glam Team

Lumipad din kasama ni Marian patungo ng Israel ang kaniyang team upang umalalay at sumuporta sa kaniya sa international beauty pageant.

9 of 11

Supportive Husband

Marami rin ang natuwa kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na all-out ang suporta sa kaniyang asawang si Marian. “I don't mind being this judge's water boy during tonight's preliminary event," ani Dingdong.

advertisement
10 of 11

New found Friend

Isa rin sa naging highlight ng pagiging Miss Universe 2021 judge ni Marian ay ang kaniyang kulitan moments kasama ang kapwa hurado na si Bollywood actress Urvashi Rautela. Itinuro pa ni Marian kay Urvashi ang steps ng kaniyang hit song at dance craze na "Sabay Sabay Tayo" na mabilis na nag-trending online.

11 of 11

Marian meets Beatrice

Pagkatapos ng Miss Universe 2021 coronation at announcement, agad na pinuntahan ni Marian sa stage ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez, na kabilang sa Top 5 finalists ng Miss Universe ngayong taon.