Celebrity Life

Irish rock band The Script, suportado si Pacquiao

By MARAH RUIZ

Dumating ang Irish alternative rock band na The Script kahapon (April 17) sa Pilipinas para sa kanilang concert sa Pasay City.

Mainit naman silang sinalubong ng kanilang mga fans at ng media sa airport. Isa sa mga naitanong ng press ay kung sino ang kanilang manok para sa nalalapit na laban ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao.

"What do you mean? That's not even a question. Pacquiao all the way," sagot ng gitaristang si Mark Sheehan.

Sumasangayon naman ang kaniyang mga kabandang sina Danny O'Donoghue at Glen Power.

Pangatlong pagkakataon na ng The Script na bumisita sa Pilipinas. Ang una ay noong 2011 at ang pangalawa naman ay noong 2013. Kasalukuyan silang nasa bansa para sa kanilang No Sound Without Silence Tour.


Video courtesy of GMA News