Celebrity Life

Geoff Eigenmann tries the bald look

By MARAH RUIZ

Bagay ba kay Geoff Eigenmann ang kalbo?



Ibinahagi ng Kailan Ba Tama Ang Mali? leading man ang isang selfie niya kung saan mayroon siyang prosthetics sa ulo.

Nakuha pa niyang i-tag sa post ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ryan Eigenmann na ang signature look ang ang kanyang bald head.

"channeling @itlogenmann421 at taping today," caption ni Geoff sa kanyang post.

READ: Geoff Eigenmann, nasuntok ng ka-eksena 

Kasalukuyang nagte-tape si Geoff para sa Kailan Ba Tama Ang Mali?, kung saan siya gumaganap bilang si Leo. Ano kaya ang mangyayari kay Leo para mawala ang lahat ng kanyang buhok?

Abangan ang pagpapatuloy ng kuwento ni Leo sa Kailan Ba Tama Ang Mali?, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Yagit sa GMA Afternoon Prime.