LOOK: Sef Cadayona's funniest photos

Ang 32-year-old na si Sef Cadayona ay isa sa mga komedyanteng lubos na kinagigiliwan ngayon sa mundo ng showbiz.
Unang nakilala ang pangalan ni Sef nang sumali siya sa fifth season ng Philippine reality show na 'StarStruck.'
Hindi man pinalad na manalo, nagpatuloy si Sef sa pag-abot ng kanyang pangarap at kalaunan ay naging tanyag na sa iba't ibang programa sa harap ng telebisyon.
Taong 2013 nang napabilang si Sef sa longest running comedy gag show na 'Bubble Gang,' at dito na mas nakilala ang kanyang talento sa pag-arte at pagpapatawa.
Kasalukuyang ginagampanan ni Sef ang batang version ng karakter ni Michael V. sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na napapanood tuwing Sabado sa GMA Network.
Tingnan ang funniest photos ni Sef Cadayona na may dalang good vibes sa gallery na ito:








