
Kapuso pa rin ang aktor na si Sef Cadayona matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center. Malaki raw ang pasasalamat ni Sef sa tiwala at suporta na ibinibigay sa kaniya ng GMA Network.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Sef, sinabi niya na naging daan ang kaniyang home network upang maging makulay ang kaniyang showbiz journey.
"Gusto kong sabihin na very grateful ako sa GMA, not just with what I have now pero kung ano yung nakuha ko all throughout simula nung nagsimula ako,” pagbabahagi niya.
"Ang daming binigay na opportunities sa akin parang noong nagsisimula ako sabi ko gusto kong makatrabaho si ganito, si ganiyan, sana mapabilang ako sa show na ganito...'nung time na nangarap ako...through the years natutupad at nabibigyan ako ng opportunities ng GMA," dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ng aktor ang mga natutunan niya bilang isang Kapuso sa maraming taon simula sa pagiging StarStruck survivor hanggang sa pagiging lead star ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at regular cast member ng comedy gag show na Bubble Gang ngayon.
"Never lose the dream that you had when you were starting," aniya.
Kuwento ng aktor, "Noong nagsimula ako sa GMA hanggang ngayon hindi nagbabago yung pangarap and goals ko kasi usually 'di ba through the years nagbabago siya o parang 'ayoko na pala ang hirap parang 'di ko naman pala kaya yung pinapangarap ko,' huwag, kasi time is everything.”
"Maga-guarantee ko na yan na time is everything na through the years yung akala kong hindi ko makukuha, makukuha ko pala [hanggang ngayon] keep the faith sa kung ano ang pinapangarap mo."
"Lahat naman tayo kapag bata ang taas talaga ng pangarap natin tapos eventually 'di ba pagtanda natin parang, 'e, ayoko na wala na akong time sa ganyan,' pero kung talagang mahal mo yung trabaho, mahal mo yung ginagawa mo, dire-diretso lang yan e," ayon kay Sef.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Sef na bahagi na siya ng Bubble Gang na 25 taon nang nagpapasaya ng maraming Kapuso. "Nakakataba nga ng puso e, kasi who would've thought na mapapabilang kami sa 25th year ng isang comedy gag show napakalaking blessing nito kasi hindi lahat mabibigyan ng pagkakataon.”
"Napaka-suwerte namin na mapabilang kami doon [Bubble Gang], nakita namin at nakasama kami sa experiences ng Bubble Gang through the years, 'yun nga yung sinasabi namin, tuloy-tuloy lang po kami nandito pa rin kami," aniya.
Sa ngayon, bukod sa pagpapasaya, plano rin ni Sef na mas pag-ibayuhin pa ang kaniyang talento sa hosting.
Samantala, mas kilalanin pa si Sef Cadayona sa gallery na ito: