Celebrity Life

Ruru Madrid, aminadong pressured sa 'Let the Love Begin'

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa press conference ng bagong handog ng GMA Telebabad na Let the Love Begin, nakausap ng miyembro ng press ang young actor at lead star na si Ruru Madrid tungkol sa bagong achievement niya sa kanyang career.

Para kay Ruru, abot langit ang kanyang pasasalamat na ibinigay sa kanya ang role na Erick.

"Sobrang nagpapasalamat po ako sa kung ano po ang ibinibigay nila sa akin."

Inamin rin ni Ruru na napi-pressure siya sa pagbibida niya sa Primetime ng GMA Network. Aniya, "Sobrang nakaka-pressure po kasi po 'yun nga po first time ko pong mag-lead sa Primetime pero 'yung pressure po na 'yun mas pumapaibabaw po 'yung excitement ko eh. Kasi kumbaga matagal ko na pong pinapangarap to e. Matagal ko na pong gustong magkaroon ng ganito and ngayon ibinigay na po sa akin ng network, and ibinigay po sa akin ng Panginoon, so gagawin ko na lang po lahat ng best ko dito.

"Sobrang masaya nga po ako ngayon dahil nga po sobrang bago ko pa lang pero 'yung tiwala na ibinigay nila sa akin sobrang laki na po agad." dagdag ni Ruru.

Dahil makakabangga nina Ruru at Gabbi Garcia ang tambalang Enrique Gil at Liza Soberano, inalam ng mga press kung ano ang kayang gawin ng GabRu para matapatan sila?

"Kami naman po, siguro gagawin na lang po namin ang best po namin [ni Gabbi Garcia]. And sobrang light lang po [ng Let the Love Begin] eh, kikiligin sila, mapapatawa namin sila."

Umaasa rin umano si Ruru na matapatan nila ang success na tinamo nina Angel Locsin and Richard Gutierrez na naunang gumanap para sa movie version ng Let the Love Begin noong 2005. "Opo, sana po ganoon din po mangyari sa amin," pahayag niya.