Celebrity Life

Kristoffer Martin, umaming may feelings pa rin kay Joyce Ching

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi itinago ni Kapuso teen star Kristoffer Martin na nagkaroon siya ng girlfriend pagkatapos ng breakup nila ni Joyce Ching almost two years ago.

Pero ayon kay Kristoffer, hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon ng San Beda College classmate na ayaw na niyang pangalanan. Naka-move na rin daw kasi ang Healing Hearts star.

Kung ikukumpara, mas malalim talaga ang relasyon niya kay Joyce kaysa sa huling girlfriend dahil hanggang ngayon daw ay may feelings pa rin siya sa teen actress.

Inamin ni Kristoffer na never nawala ang pagmamahal niya kay Joyce. "Ang love, hindi siya nawawala eh. Sine-set aside mo lang siya to a different level," saad niya.

Malaki ba ang posibilidad na magkabalikan ang dalawa? "Siguro ang inaantay namin is 'yung parehas [na] kaming ready. Kasi ngayon, 'yung pagiging ready namin [ay] mga 60 to 65 percent pa lang," sagot ni Kristoffer.

Ngayong magkakasama sila ulit sa Afternoon Prime soap, malaki ang chance na ma-develop ulit sina Kristoffer at Joyce.

Kuwento nga ni Kristoffer, kinikilig pa rin siya sa kissing scenes nila ni Joyce sa Healing Hearts.