Celebrity Life

Gabbi Garcia, peg ang pagka-GGSS ni Ruru Madrid sa 'InstaDAD' role

By AL KENDRICK NOGUERA



Boyish ang role ni Gabbi Garcia sa family-oriented show na InstaDAD. Ayon sa teen star, challenging daw ang pagganap kay Kit pero nagiging madali ito dahil kay Ruru Madrid.

Kuwento ni Gabbi, ang Let The Love Begin love team niyang si Ruru talaga ang peg niya sa pag-portray ng kanyang character.

"GGSS siya. Mataas ang confidence niya," ani Gabbi. 'Yang mga katangian daw ni Ruru ang dapat taglay ni Kit sa InstaDAD.

Pero sabi ni Gabbi, bilib daw siya sa taas ng confidence ni Ruru. "For a guy, that's very rare. 'Di ba? That's very rare na sa kanya yata lahat napunta 'yon. It's a good thing ha," natatawang sambit ni Gabbi.

Bukod pa sa pagiging GGSS, may ilang katangian pa raw si Ruru na gusto niyang i-apply kay Kit. Aniya, "He is very protective, aggressive, maangas, mataas 'yung confidence at may paninindigan. Siguro 'yon 'yung gusto kong ma-develop sa character ko."