advertisement
Celebrity Life

Celebrities na first time voters ngayong Eleksyon 2022

1 of 15

Thea Tolentino

"Masarap sa feeling"--ganyan ibinahagi ni Thea Tolentino ang kanyang pakiramdam matapos bumoto sa national and local elections sa unang pagkakataon. Kasama niya ang kanyang ama at kapatid sa pagpunta sa kanilang polling precincts.

2 of 15

Therese Malvar

Ang apo ni pambansang bayani Jose Rizal at revolutionary leader Miguel Malvar na si Therese Malvar ay hindi rin pinalampas ang pagkakataong bumoto ngayong Eleksyon 2022.

3 of 15

Rain Matienzo

Proud na ipinakita ang kanyang indelible ink matapos bumoto ng Conyo Girl ng Tiktok na si Rain Matienzo na botante sa Taytay. Rizal.

advertisement
4 of 15

Martin Javier

Tulad ni Rain, sa Taytay, Rizal din botante ang host at sportscaster na si Martin Javier.

5 of 15

Julia Pascual

Naglaan ng oras ang 'Voltes V: Legacy' star na si Julia Pascual para sa kanyang first voting experience sa Pasig.

6 of 15

Klea Pineda

"Para sa mahal kong Pilipinas" ang pagboto ni Klea Pineda ngayong halalan.

advertisement
7 of 15

Pauleen Luna 

"What an awesome time to be alive" ang bulalas ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram post, kalakip ng larawan niyang nagpapakita ng kanyang indelible ink. Aniya, tiniis niya ang gutom habang nasa pila.

8 of 15

Ysabel Ortega

Alas sais ng umaga pa lang ay nasa presinto na ang anak ni Senator Lito Lapid na si Ysabel Ortega para sa Eleksyon 2022. Botante ang aktres sa Caba, La Union na hometown ng kanyang ina na si Michelle Ortega, dating aktres.

9 of 15

Maris Racal

Proud ding miyembro ng '6 am club' si Maris Racal. Aniya, matindi ang kanyang kaba bilang first-time voter.

advertisement
10 of 15

Rita Daniela

Rita Daniela went out and exercised her right to vote!

11 of 15

Liza Soberano

TV and movie actress Liza Soberano looked pretty in pink after voting for the first time.

12 of 15

Gabbi Garcia

Napa-finger heart si Gabbi Garcia para i-flex ang kanyang indelible ink-stained finger na katunayan ng kanyang pagboto ngayong Eleksyon 2022.

advertisement
13 of 15

Royce Cabrera

Hindi rin pinalagpas ng 25-year-old actor na si Royce Cabrera na makaboto ngayong halalan.

14 of 15

Bianca Umali

"Boto ko, Karapatan ko, Ipaglalaban ko," ito ang sabi ni Bianca Umali sa kanyang caption na nagpapakita ng kanyang ink-stained forefinger.

15 of 15

Lexi Gonzales

Ayon sa 'StarStruck' alum na si Lexi Gonzales, masarap sa pakiramdam na ibinigay niya ang kanyang unang boto sa tama at totoong kandidato.

advertisement