Celebrity Life

'Masayang-masaya ako dahil una kong nabisita ang mga Kapuso' - Manny Pacquiao

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Hindi nakalimutan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang mga Kapuso dahil sa kanyang pagbabalik ng bansa, binisita niya agad ang kanyang home network matapos mag-courtesy call sa Malacañang ngayong May 13.

LOOK: GMA: The home of Manny Pacquiao 

Pagkaalis ni Pacman sa Malacañang ay agad siyang dumiretso sa GMA 7 para magpasalamat sa kanyang Kapusong supporters.

LOOK: Welcome home, Manny Pacquiao! 

Sinalubong siya ng mga naghihiyawang empleyado ng GMA na kanya ring fans nang bumaba siya sa kanyang sasakyan. Isang maliit na programa ang inihandog ng GMA para kay Manny.

Nagpasalamat naman si Pacquiao sa lahat ng mga Kapuso sa suportang ibinigay nila sa kanya.

"Salamat at napakasaya ng pagsalubong ninyo sa 'kin. Maraming-maraming salamat at kayong lahat ay nagkaisa para suportahan ako [at] ipagdasal noong nakaraang laban ko," ani Pacman.

Dagdag pa niya, "Masayang-masaya ako dahil una kong nabisita ang mga Kapuso!"

Isang private dinner naman kasama ang ilang GMA officers ang inihanda pa rin ng mga Kapuso mamayang gabi.