Celebrity Life

Dindong Dantes, may request kay Marian Rivera

By CHERRY SUN

May pamahiin ang mga Pinoy na maaaring pati ang lalaki ay makaranas ng paglilihi kapag nagbubuntis ang kanilang misis. At tila totoo ito para kina Mr. and Mrs. Dantes.

READ: Dingdong Dantes, proud kay Mommy Marian 

Sa magka-ibang Instagram posts nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay mapapanood na may hinahanap-hanap na pagkain ang Kapuso Primetime King.

“Yan, I’m craving for my favorite dish, ‘yung Caldereta,” panimula ni Dong.



Walang pag-aalinlangan namang tumugon si Marian sa request ng kanyang asawa.

Aniya, “Caldereta ba kamo ang hamon mo sa akin? Pwes, achieve ko ‘yan!”



Matatandaang noong Pebrero ay nag-enroll sa isang culinary school si Marian bilang paghahanda na rin sa kanilang buhay mag-asawa.