Celebrity Life

Marian Rivera, nagbigay ng update sa kanyang pagbubuntis

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa press conference ng Pep List Awards, excited ang lahat na nagtanong kay Marian Rivera tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Biro ng mga reporters, maliit pa raw ang tiyan ng Kapuso Primetime Queen at baka press release lang umano ang kanyang pagbubuntis.

"Ang liit nga e. Ang liit pa. Pero sabi ng OB ko siguro around 7 to 8 months pa lang siya lalaki." nakangiting sagot ni Marian.

Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin si Marian ng morning sickness. Aniya, "Meron pa din pero okay lang 'yan. Lahat 'yan kaya kong tiisin kung ang kapalit naman niyan ay isang napakagandang biyaya, 'di ba?"

Ikinuwento ni Marian ang pinagkakaabalahan niya ngayong buntis siya sa panganay nila ni Dingdong Dantes.

"Ngayon? Ayan pictorial, tapos, basta arte arte. Wala munang soap. Kasi sa soap kahit anong gawin ko, aarte ako doon, umiiyak ako doon, so hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nun sa magiging anak ko. So rest na muna, so mas madali, mag-guesting na lang muna ako, magpi-pictorial ako, mag-shoot ako, okay lang muna 'yun. 6 months to go and then after nun, go na ulit." pahayag ni Marian.

Naitanong din ng press kung alam na ba nila Marian at Dingdong ang gender ng kanilang baby. Sagot ni Marian, "Wala pa, kasi babalik pa lang ako sa OB ko next week. Doon ko malalaman."