Celebrity Life

Andre Paras, na-starstruck kay Aiai Delas Alas

By MICHELLE CALIGAN

Hindi naitago ng The Half Sisters leading man na si Andre Paras ang kanyang excitement nang makita at makausap ng personal ang Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas. Nangyari ang kanilang pagtatagpo sa inaabangang crossover ng top-rating Afternoon Prime drama at sa primetime series na Let the Love Begin.

READ: Andre Paras, spotted sa set ng Let the Love Begin 

"I wanted to say 'How are you? I want to work with you', but the thing that came out of my mouth was 'Hi'. Na-starstruck po ako. At also, it was an honor to be working with her po," kuwento ni Andre kay Cata Tibayan ng 24 Oras.

Ang eksenang kinunan ay ang pagpunta ni Bradley, ang character ni Andre, sa radio show ni Jenni, played by Aiai, para ipangalandakan ang kanyang pagmamahal kay Diana, ang role naman ni Barbie Forteza.

"Ang cute nga eh, kasi ngayon ko lang na-experience 'to na may crossover ang mga shows," masayang pahayag ni Aiai.

Samantala, may good news din ang veteran comedienne sa mga hindi nakapanood ng kanyang very successful concert titled 'Ai Am Who Ai Am' dahil punong puno na ang venue. Mapapanood sa Kapuso network ang naturang concert at magkakaroon pa raw ito ng Part 2.

READ: 'Ai Am Who Ai Am', a success! 

Video courtesy of GMA News