Celebrity Life

Aiai Delas Alas, nagpasalamat sa sumuporta ng kanyang 'Magpakailanman' episode

By MICHELLE CALIGAN

Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa lahat ng nanood at sumuporta sa kanyang kauna-unahang paglabas sa Magpakailanman last Saturday, May 16.

The Let the Love Begin star expressed her gratitude through an Instagram post with the caption "Salamat po KAPUSO ... Salamat sa lahat ng bumubuo ng magpakailanman at sa cast , staff and crew .... Conratulations !!!Salamat po ng marami sa mga nanood .... TO GOD BE THE GLORY FOREVER!!! #KAPUSO #GMA #proudkapuso"



Tuloy-tuloy ang biyayang dumadating sa aktres dahil naging successful din ang kanyang 'Ai Am Who Ai Am' concert.

LOOK: Scenes from Aiai's Thanksgiving Concert 

Inaabangan din ng viewers ang mangyayari sa kanyang role na si Jenni sa Let the Love Begin.

Samantala, isang kakaiba at nakakatuwang kuwento ng pag-ibig ang mapapanood sa Magpakailanman ngayong Sabado, May 23, starring Jennylyn Mercado and Alden Richards