advertisement
Celebrity Life

LOOK: Non-Kapuso artists and public officials at the GMA Thanksgiving Gala

1 of 13

Cristine Reyes

Nagulat ang maraming press sa pagdating ng Viva artist at former Kapamilya actress na si Cristine Reyes sa GMA Thanksgiving Gala. Suot ni Cristine ang white fitted gown na ayon sa tema ng event na "Old Hollywood" glam. Si Cristine ay isa sa mga alumna ng reality talent search ng GMA noon na 'StarStruck.'

2 of 13

Marco Gumabao 

Head-turner din ang hunk actor na si Marco Gumabao sa kanyang pagdalo sa GMA Thanksgiving Gala suot ang all-white suit.

3 of 13

Coleen Garcia

Dumalo rin ang former 'It's Showtime' host na si Coleen Garcia sa GMA Thanksgiving Gala kasama ang kanyang asawa at TV host na si Billy Crawford. Si Billy ang host ng 'The Wall Philippines' na mapapanood na sa GMA ngayong Agosto.

advertisement
4 of 13

Madam Inutz

Kasama rin ang viral online seller at former 'Pinoy Big Brother' housemate na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz sa mga non-Kapuso artists na dumalo sa GMA Thanksgiving Gala. Kasabay niyang dumating ang talent manager niya at ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino.

5 of 13

Dr. Hayden Kho and Scarlet

May father-daughter moment naman ang celebrity doctor na si Dr. Hayden Kho kasama ang anak na si Scarlet Belo nang dumating sa GMA Thanksgiving Gala.

6 of 13

Crown Artist Management

Sabay-sabay naman na dumating sa GMA Thanksgiving Gala ang prime stars ng Crown Artist Management na sina John Lloyd Cruz, Thou Reyes, Miles Ocampo, kasama ang kanilang manager na si Maja Salvador. Si John Lloyd ay mapapanood sa weekend sitcom na 'HappyToGetHer,' habang sina Maja at Miles ay kabilang sa mga host ng 'Eat Bulaga.' Samantala, ang matalik na kaibigan ni Maja na si Thou ay napanood sa hit GMA Telebabad series na 'First Yaya' at sequel nitong 'First Lady.'

advertisement
7 of 13

Celeste Cortesi and Matthew Custodio 

Dumalo rin sa GMA Thanksgiving Gala si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi kasama ang boyfriend na si Matthew Custodio.

8 of 13

Beatrice Luigi Gomez

Stunning naman sa kanyang black gown ang Miss Universe 2021 Top 5 na si Beatrice Luigi Gomez sa kanyang pagdating sa GMA Thanksgiving Gala.

9 of 13

Bianca Manalo and Win Gatchalian

Magkasama namang dumalo sa GMA Thanksgiving Gala ang beauty queen-actress na si Bianca Manalo at Senator Win Gatchalian.

advertisement
10 of 13

Alan Peter Cayetano

Masaya rin na dumalo at nakisaya sa GMA Thanksgiving Gala si Senator Alan Peter Cayetano.

11 of 13

Bong Revilla and Lani Mercado 

Magkasama rin na dumalo sa GMA Thanksgiving Gala sina 'Agimat ng Agila' actor Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. at kanyang asawa na si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

12 of 13

Sandro Marcos

Ang first son at Ilocos Norte representative na si Sandro Marcos ay namataan din na dumalo sa GMA Thanksgiving Gala.

advertisement
13 of 13

Richard Gomez and Lucy Torres

Kabilang din sa celebrity couples na dumalo sa GMA Thanksgiving Gala ang Leyte Representative na si Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.