advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Herlene Budol's guestings and courtesy visit after Binibining Pilipinas 2022

1 of 12

First runner-up 

Tinanghal na Binibining Pilipinas 2022 first runner-up si Herlene Budol sa ginanap na coronation night ng nasabing beauty pageant.

2 of 12

Hakot awards

Bukod sa pagiging first runner-up, hinakot din ni Herlene Budol ang maraming special awards sa Binibining Pilipinas 2022.

3 of 12

Jessica Soho 

Pagkatapos ng naging coronation night, agad na naimbitahan si Herlene Budol na maging guest sa award-winning news magazine show na 'Kapuso Mo, Jessica Soho' kasama mismo ang host nito at batikang journalist na si Jessica Soho.

advertisement
4 of 12

Hipon 

Sa nasabing episode ng KMJS, emosyonal na ikinuwento ni Herlene Budol ang kanyang mga pinagdaanan sa katatapos lang na beauty pageant. Pagkatapos ng kuwentuhan, sabay pa silang kumain ng hipon, na naging bansag sa kanya o kung saan siya nakilala.

5 of 12

Boy Abunda

Sumalang din sa isang interview si Herlene Budol kasama ang award-winning talk show host na si Boy Abunda.

6 of 12

Korina Sanchez

Sa isang Instagram post, ibinahagi rin ni Herlene Budol na nakapanayam siya ng dating news anchor at journalist na si Korina Sanchez.

advertisement
7 of 12

Sen. Robin Padilla and Sen. Bong Go

Bukod sa kanyang mga guest TV appearances bilang beauty queen, bumisita rin si Herlene Budol sa plenary hall ng Senado kung saan nakasama niya sina Senator Robin Padilla at Senator Bong Go.

8 of 12

Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa

Nagkita rin sina Herlene Budol at Senator Ronald "Bato" Dela Rosa sa kanyang pagbisita sa senado.

9 of 12

en. Raffy Tulfo

Nagkaroon din ng pagkakataon na magkausap sina Herlene Budol at new Department of Social Welfare Development (DSWD) Secretary na si Sen. Raffy Tulfo.

advertisement
10 of 12

Karen Davila 

Abangan din ang pagbabalik ni Herlene Budol sa YouTube vlog ng news personality na si Karen Davila.

11 of 12

Angono, Rizal 

Nagbigay galang at nagpasalamat din si Herlene Budol sa suporta ng kanyang mga kababayan sa kanyang hometown na Angono, Rizal. Dito ay sinalubong si Herlene ng kanyang lolo na nag-alaga sa kanya simula pagkabata. Alay rin ni Herlene sa kanyang lola Bireng ang tagumpay na kanyang nararanasan. Namatay si lola Bireng ilang linggo bago ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2022.

12 of 12

Beauty Queen

Sino nga ba ang mag-aakala na ang simpleng dalaga noon na nangangarap at may ambisyon ay isa na ngayong sikat na showbiz personality at beauty queen.

advertisement