Celebrity Life

'Walang personalan, trabaho lang' - Marian Rivera on negative write-ups

By ANN CHARMAINE AQUINO

Bilang mga artista, hindi maiiwasan ang negative comments at articles tungkol sa kanilang mga personal na buhay. Sa press conference para sa Pep List Awards kung saan nanalo si Marian Rivera at ang kanyang asawang si Dingdong Dantes bilang Newsmaker of the Year, naitanong kung paano nga ba hina-handle ito ng Kapuso Primetime Queen.


"Mahirap talagang maging artista, dahil sa bawat kilos mo, sa bawat salita na binibitawan mo, lahat 'yan dyina-judge ka ng mga tao. Pero 'yun 'yung price na kailangan mong bayaran sa pagiging artista."

Dagdag ni Marian, "Sa susunod siguro ako din sa sarili ko, matututo talaga ako at iingatan ko hindi to the point na magpapakaplastik ako, ganun pa rin ako. Magpapakatotoo pa rin ako, pero may mga bagay na minsan hahayaan mo na lang. Hihinga ka na lang sabihin mo, hayaan ko na lang. Ang importante naman, ano ba talaga 'yung totoong nangyari, so doon ako."

Naitanong rin kung may nakasamaan ba ng loob ang Primetime Queen na mga entertainment writers tungkol sa mga issues na naisulat sa kanya.

"Alam mo, marami dati sa akin na nagsusulat at siyempre hindi maiiwasan 'yan. Pero 'pag nakikita ko sila, okay naman sila. Sasabihin nila, 'uy ha trabaho lang. So 'di ba, parte ng mga writer 'yan eh na mahirap i-judge. Kaya 'di mo rin alam kung saan nanggagaling baka sinabi nito, sinabi nun. Pero siyempre masakit talaga na makakarinig ng mga salitang hindi talaga maganda. Pero wala eh, nasa showbiz ka eh. 'Yun talaga yung dapat na intindihin mo talaga. At walang personalan palaging sinasabi ng mga writers 'yun e. Walang personalan, trabaho lang."

Dagdag ni Marian, bilang artista malaki ang pasasalamat niya sa press.

Aniya, "Ako, aminado ako, masasabi ko na malaki ang naitutulong sa akin ng press. At pasasalamatan ko 'yan habang artista ako."