Celebrity Life

Kylie Padilla at Martin del Rosario, bumida sa sagala sa Cavite

By BEA RODRIGUEZ

Nakita ang Buena Familia stars na sina Kylie Padilla bilang Reyna Elena at ang kanyang escort na si Martin del Rosario sa Grand Sagala ng SM City Dasmariñas, Cavite noong Linggo.



Naikuwento naman ng binata ang kanyang karanasan sa Balitanghali, “Natutuwa ako dahil first time kong maka-attend ng ganitong festival. Simula bata, wala akong sinasalihan, so first time.”

First time rin magtatambal ang mga Kapuso stars bilang love team sa serye pero kapasin-pansin ang closeness ng dalawa.

Saad ni Kylie, “Masaya ako dahil nag-click kami kaagad eh. Walang awkwardness.”

Sumang-ayon din ang aktor sa relasyon nila sa set. Aniya, “’Yun din actually. Una nakaka-intimidate kasi akala ko parang isang ‘conyo’ girl pero pagka-meet ko sa kaniya [ay] sobrang bilis niyang nakasama.”

Hindi kaya magselos ang boyfriend niyang si Matt Henares na ngayon ay nasa Australia para sa kanyang internship?

Hindi nagsalita ang mestiza beauty tungkol sa kanyang love life dahil parte daw ito ng pribadong buhay niya. Saad ng aktres, “Yes, ganun na ngayon. I learned my lessons [so] private na lang.”

READ: Why is Kylie referring to herself as ‘Matty’s girl?’