TINGNAN: Kristoffer Martin, nagpakilig at nagpasaya sa mga tagahangang Iliganons

Masaya at labis na nagpapasalamat si Sparkle actor Kristoffer Martin sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Iliganons sa naganap na Miss Iligan 2022 coronation night kahapon, September 27, sa MSU-IIT Gymnasium, kung saan kasamang nagbigay ng kasiyahan ang GMA Regional TV.
Nakasama rin ni Kristoffer sa Iligan City si 'The Clash' Season 3 Grand Champion Jessica Villarubin, na dalawang beses nag-perform para sa Diyandi Festival 2022.
"Happy ako, na-miss ko 'yung kumanta sa maraming tao. Nag-serenade po ako sa Miss Iligan 2022. Kinabahan ako kasi after two years kumanta ulit ako in front of many people," kuwento ni Kristoffer sa exclusive interview ng GMANetwork.com.









