Celebrity Life

Glaiza de Castro reminds herself: 'Babae ako, babae pa rin ako'

By MICHELLE CALIGAN


Marami ang humahanga sa pagganap ni Glaiza de Castro sa kanyang role na Althea sa The Rich Man's Daughter dahil kuhang kuha daw nito ang pagiging isang lipstick lesbian. Pero ayon sa aktres, hindi ito madaling gawin. In fact, she considers this as her most challenging role to date.

"Mas internal ang approach nito. Paano mo made-deliver 'yung mga internal objectives o 'yung mga dapat mong gawin sa character mo kung hindi naman siya napi-physicalize? Kumbaga, sinasabi nila na lesbian ka pero dapat hindi ka brusko," paliwanag ni Glaiza.

LOOK: 10 most kilig RaStro photos 

She adds, "Magandang way din ito para ma-break 'yung stereotype perception about lesbians na kapag lesbian ka, lalaki ka. May mga lesbian pala talaga na babae pa rin sila, na nagli-lipstick pa rin sila, nagususuot pa rin sila ng pambabae."

READ: Rhian and Glaiza thanks Aiza Seguerra for her support 

Dahil sa kanyang effective portrayal kay Althea, nadadala na kaya niya ito even after the cameras stop rolling?

"Ganito ginagawa ko. Pagkatapos ng taping, eh 'di magtatanggal ako ng makeup. Ang gagawin ko (sasabihin ko sa sarili ko) 'Babae ako, babae pa rin ako'," sagot niya habang tumatawa.

Pinagdadasal na nga daw siya ng kanyang kapatid dahil baka tuluyan na siyang maging si Althea.

"Sabi ko 'Bakit?' Sabi niya, ''Yan, sa role mo. Kasi hindi natin maiwasan, madadala tayo sa mga roles natin, mga eksena natin.' 'Tingin mo ba may tendencies ako?' Sabi niya, 'Uh. ikaw (laughs).' Sa ngayon, baka nakikita niya sa akin ay 'yung sa role, nadadala ko talaga. Naturally kasi talaga ganito ako. Ang mahirap doon kasi, babae pa rin ako. Si Althea, babae pa rin. So ganyan pa rin siya."