Naging tradisyon na para sa ilang celebrity kids ang pagsusuot ng cute costumes para sa kanilang dadaluhang Halloween party.
All-time favorite ang panggagaya sa 'Toy Story' characters tulad ng cowboy rag doll na si Woody.
Naging go-to Halloween outfit din ang mga sikat na villainous characters sa survival drama series na 'Squid Game' gaya ng masked guards at robot doll matapos itong ipalabas sa Netflix.
Samantala, may ilan ding celebrity parents ang nag-personalize ng Halloween costumes ng kanilang mga anak tulad ng pagbibihis ala-pumpkin.
Tingnan dito ang ilan sa mga cute na Halloween costume ng mga anak ng artista ngayong 2022:
Very charming ang bunsong anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto IV o Ziggy sa kanyang Woody costume. Sa larawang ito, kapansin-pansin ang pagkakahawig ni Ziggy sa kanyang Mommy Yan.
Hindi naman katatakutan ang mga anak nina Drew Arellano at Iya Villania na sina Antonio Primo at Alonzo Leon dahil cute na cute sila sa kanilang red suit bilang masked soldiers na inspired sa hit South Korean survival drama television series na 'Squid Game.'
Kung 'Squid Game' guards sina Primo at Leon, ang kanilang nakababatang kapatid na si Alana Lauren naman ay ang robot doll na isa rin sa mga iconic characters sa Netflix series.
Comfy and cute ang Halloween outfit ng unica hija ni Anne Curtis na si Dahlia Amelie sa kanyang pumpkin tutu dress.
Dahil sa kanilang singkit na mata, bagay na bagay sa magkapatid na Scott Knoa and Seven Kai, mga anak nina Slater Young at Kryz Uy, ang kanilang kimono costumes.
'Toy Story' characters naman ang napiling ipasuot ng celebrity fashion stylist na si Liz Uy sa kanyang two boys na sina Xavi at Mati. Si Xavi ay si Buzz Lightyear, samantalang si Mati, gaya ni Ziggy, ay si Woody.
Nakisali rin sa Halloween party si Liz Uy na nag-ala Princess Jasmine, kasama ang bunsong anak niyang si Mati na may suot namang Aladdin costume.
In character din si Sheena Halili at mister niyang si Jeron Manzanero na nagbihis bilang Mr. & Mrs. Wormwood. Siyempre, ang kanilang one-year-old daughter na si Martina ay si Matilda para sa kanilang first family Halloween cosplay. Ayon kay Sheena, isa sa mga paboritong pelikula ni Martina ang 'Matilda.'
The only son of Kapuso actor Rodjun Cruz and Dianne Medina became little King Arthur for Halloween.
Mark Herras and Nicole Donesa's son Corky is the cutest Russell from the Pixar movie 'Up.'