Celebrity Life

'Love life can wait' - Wyn Marquez

By MICHELLE CALIGAN

The Half Sisters star Wyn Marquez is willing to put her love life on hold in exchange of the career opportunities she is currently receiving.

"Wala eh, kasi love life can wait. Kumbaga, 23 lang naman ako tapos ngayon maraming opportunities ang dumarating and blessings compared before. So iga-grab ko na lang 'yun," she shares with GMANetwork.com.

Sinagot din niya ang issue na nagkakamabutihan sila ng kanyang kasamahan sa Sunday All Stars na si Mark Herras.

READ: Ina ni Wyn Marquez na si Alma Moreno, boto ba kay Mark Herras? 

"With me and Mark, we're really good friends. Six years, five years na magkasama three times a week, tapos parehas kami ng barkada. Nagkakausap kami, siyempre. We see each other pero we're not dating. If people are misinterpreting that closeness, I have nothing to say about that. Basta close kami and we're good friends."

Hindi naman daw niya ito tinatago sa kanyang ina.

READ: Mag-inang Wyn Marquez at Alma Moreno, nagsama sa Magpakailanman 

"Ganyan naman 'yan eh. Kapag nakikita lang niya akong tumatawa or kaya may kabarkada ako, magtatanong 'yan. 'Ano ba 'yan?' ganyan. Siyempre mom, gusto malaman. Pero wala naman akong tinatago sa mommy ko. Alam naman niya lahat."

As for her plans in joining beauty pageants again, the former Binibining Pilipinas candidate says she is not thinking about it right now, but she's not closing her doors either.

"It depends next year kung ano'ng mangyayari. Siyempre ang focus ko nandito [showbiz], ang ganda kasi kung paano ang nangyayari sa akin. We'll see. I'm not closing any doors. I'm not close minded naman about it, pero now hindi ko pa alam eh. Wala pa."