Celebrity Life

Glaiza De Castro, flattered na nililigawan ng mga babae

By BEA RODRIGUEZ

Epektibo ang pagganap ni The Rich Man’s Daughter star Glaiza de Castro sa kanyang karakter na “Althea” dahil nililigawan na daw siya ng mga babae. Ano kaya ang kanyang reaksyon tungkol dito?



“Nakakatuwa, nakaka-flatter na kinikilig sila sa amin, na natutwa sila kay Althea or parang ang tingin nila ay heartthrob na siya. Pero para sa akin, isa 'yun sa mga fuel ko, parang nakaka-inspire siya at nakaka-energize siya,” nakangiting sagot ng Kapuso actress sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

READ: Glaize de Castro inspired sa real-life stories ng lesbians 

Bukod sa mga love notes, nakakatanggap din daw siya mula sa kanyang followers ng mga kwento at hinihingan pa raw siya ng payo.

“Hindi po maiiwasan na magsabi talaga sila ng saloobin nila and ako I find that inspiring,” dagdag ng dalaga.

Isa sa nagpapasaya sa aktres ngayon ay ang kanyang independently-produced album na “Synthesis” na nangunguna ngayon sa iTunes at sunod-sunod na pag-order ng record stores nito dahil mabilis daw ito maubos. Nakatulong daw ang magandang feedback sa pagganap niya sa serye sa pag-promote ng kanyang album.

Saad ni Glaiza, “It will always be a reminder dun sa mga taong tumulong sa akin along the way na magsisilbi siyang inspiration.”

Noong nagsimula umere ang kanyang serye, naging vocal ang aktres sa kanyang pagsuporta sa “Women Empowerment” o tinatawag niyang “babae power” kaya naman nagimbita ang aktres sa kanyang event on June 11 sa kanyang restaurant sa Quezon City, ang Runner’s Kitchen.



Nag-imbita siya ng mga babaeng guest speakers na magsasalita tungkol sa campaign na kanyang ipinalalaganap at kakantahin din daw ng singer-actress ang mga kanta sa kanyang album.

READ: Glaize de Castro reminds herself: “Babae ako, babae pa rin ako”