Showbiz News

GMA-7 ends controversial publicity about Angel Locsin

Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Pinagbigyan na ng GMA-7 ang kahilingan ng marami na tapusin na ang usaping Angel Locsin. Kahapon, August 5, sa labanan ng Showbiz Central ng GMA-7 at ng kalaban nitong programa sa kabilang istasyon, naging highlight sa kalabang showbiz talk show ang exclusive last-night footage ni Angel sa London, ang one-on-one interview ni Cristy Fermin kay Becky Aguila at kay Mr. Angel Colmenares, at ang interview ni Ruffa Gutierrez kay Valerie Concepcion na pumirma na ng three-month contract as co-host sa Wowowee. Wala ni isa mang balita na ginawa ang Showbiz Central tugkol kina Becky, Angel, Valerie o kahit si Jennylyn Mercado. Nagsalita na rin kasi ang GMA-7 management na pagkatapos ng interview ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV, two Sundays ago, sa Showbiz Central, hindi na muling sasagot ang Kapuso Network. Ito rin naman ang request ni Becky noong presscon na ibinigay sa kanya ng kabilang network last August 3 na sana raw ay tigilan na si Angel. Kung kaya't pinagbigyan ang hiling niya na wala na ngang balitang inilabas ang Sunday showbiz talk show ng GMA-7. Nakatutok na ang GMA-7 sa promotion ng Marimar na magsisimula sa Monday, August 13. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) Talk about the issue at the iGMA Forums!