TINGNAN: Ang temporary house nina Cong Velasquez and Viy Cortez sa #Congpound

Matapos ianunsyo ng vlogger na si Cong Velasquez na umalis na sila sa Payamansion 2.0, ibinahagi naman ng kaniyang fiancée na si Viy Cortez ang isang vlog tungkol sa bago nilang bahay.
Nitong January 23, 2023, in-upload ni Viy ang isang house tour vlog upang ipasilip sa kanilang fans at subscribers ang pansamantala nilang tinitirahan, na magiging staff house sa tinatawag nilang Congpound [Cong + compound]. Katabi nito ay ang pinapagawa nilang bahay, na ayon kay Viy ay maaaring abutin ng isa't kalahati o dalawang taon.
Silipin ang pansamantalang tinutuluyan nina Cong at Viy sa gallery na ito:











