GMA Logo Cong TV Viy Cortez
Celebrity Life

Cong TV and Viy Cortez are now engaged!

By Jimboy Napoles
Published November 3, 2022 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions

Article Inside Page


Showbiz News

Cong TV Viy Cortez


Congratulations and Best Wishes, Cong and Viy!

Ikakasal na ang sikat na YouTube vloggers na sina Cong TV o Lincoln Velasquez at ang kanyang longtime girlfriend na si Viy Cortez.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy ang sweet photo nila Cong kung saan makikita ang engagement ring na kanyang suot.

"Yes love! Una pa lang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko," caption ni Viy sa kanyang post.

Wala pang isang oras matapos itong i-post ni Viy, agad itong pinusuan ng marami nilang fans at mga kaibigan na masaya para sa magandang balita tungkol sa kanilang relasyon.

Kasabay ng pag-anunsiyo ni Viy sa kanyang Facebook account, ibinahagi naman ni Cong sa kanyang YouTube channel ang nangyaring engagement proposal nito lamang October 27, 2022 na kanyang 31st birthday at araw ng binyag ng kanilang anak ni Viy na si Zeus Emmanuel o mas kilala bilang si Baby Kidlat.

Hulyo 2022, nang ipanganak ni Viy si Kidlat. Habang nito lamang Setyembre 2022, ibinahagi ng vlogger couple na sinisimulan nang itayo ang kanilang dream house.

SILIPIN ANG FATHER-AND-SON MOMENTS NINA CONG AT KIDLAT SA GALLERY NA ITO: