Mula nang mauso ang pagba-vlog, kani-kaniyang diskarte na ang ilang mga Pinoy sa paggawa ng content na ina-upload nila hindi lamang sa YouTube kundi pati na rin sa iba't ibang social media.
Ang ilan naman sa kanila, nag-upload lang ng video na nag-viral sa social media at hindi nila inaasahan na papasukin din pala nila ng mundo ng vlogging.
Bukod sa content creators na iniidolo ngayon ng mga Pinoy, na unang napanood sa YouTube, ilang family vloggers naman sa Facebook ang sumisikat na rin ngayon dahil sa kanilang mga nakaaaliw na videos.
Kilalanin ang ilang sikat na family vloggers sa gallery na ito.
Ilan sa family content creators na kinagigiliwan ngayon ng milyun-milyong Pinoy viewers online ay ang Capinpin brothers na mula sa Nueva Ecija. Ito ay binunbuo nina (mula sa kaliwa) Allen Capinpin, Gavin Capinpin, at Kelzy Capinpin
Ang Capinpin brothers ay pinangungunahan ni Gavin Capinpin o mas kilala bilang si Ser Geybin. Kasama niya rito ang dalawa pa niyang kapatid na sina Allen, na kilala rin bilang si Chief Allen; at Kelzy, na tinatawag din ng netizens na Captain Kelzy.
Sikat din ngayon sa Facebook ang Team Bugok na nagmula sa Pulilan, Bulacan. Ang grupong ito ay pinangungunahan ng content creator na si Norvin Dela Peña kasama ang kaniyang asawa na si Lovely.
Kasama ni Norvin Dela Peña sa pagba-vlog ang kaniyang mga kapatid na sina Luisito, Charmina, Christine, at Charish. Mapapanood din sa kanilang videos ang kani-kanilang mga pamilya.
Ang nasa larawan ay sina JR at Tatay Aniceto o mas kilala bilang D' Anicetos, ang father-and-son tandem na labis na kinagigiliwan ng mga manonood sa Facebook at iba pang social media platform.
Minsan nang naka-collab ng D' Anicetos ang Kapuso actress at movie icon na si Bea Alonzo. Sa naturang vlog, matagumpay na na-prank nina Bea at JR si Tatay Aniceto.
Humahakot din ng million views sa Facebook ang videos ng dancers at vloggers na sina Owy Posadas at Julie Fortes.
Bukod kina Owy Posadas at Julie Fortes, kinagigiliwan din ng netizens ang kanilang anak na si Olla, na makikitang cute na cute sa kanilang family vlogs.
Isa rin sa family vloggers na sinusubaybayan ngayon ng mga Pinoy ay ang Juxifam na binubuo ng dancing parents na sina Jubi at Xian, at ang kanilang anak na si baby Ju.
Si baby Ju ang isa sa little vloggers sa Facebook na nagbibigay good vibes sa netizens.
Sila ang Wonder family na pinangungunahan ng mag-asawa na sina Nomer at Mean na nagmula pa sa Pangasinan.
Kilala ang Wonder family sa kanilang extreme pranks hindi lang sa kanilang mga kasama sa bahay kundi pati na rin sa kanilang mga kapitbahay. Isa sa videos nila na labis na kinagiliwan ng netizens ay ang Marites prank na mayroon na ngayong mahigit 14 million views sa Facebook.