Celebrity Life

Jillian Ward, pangarap maging professional singer

By BEA RODRIGUEZ

Kapansin-pansin ang mga song covers ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward sa kanyang Instagram account.

READ: Jillian Ward hits the high notes 

Kinuwento niya kay Cata Tibayan sa 24 Oras na mahilig siyang kumanta at mag-practice ng mga paboritong kanta sa kanyang bahay, lalo na sa shower.

“Noong 3 po ako, kinanta ko po ‘yung “Man in the Mirror”, ‘yung buo po [nun] kaya ko rin po na-discoverna gusto ko ring kumanta,” saad ng sampung taon gulang na aktres.

Nagpatikim ang child actress ng high notes ng kantang Emotions ni American singer Mariah Carey at ng Isang Lahi na kinanta naman ng Asia’s Songbird Regine Velasquez na nais niyang maka-duet.

Dahil dito, napagpasiyahan niya nang kumuha ng voice lessons para hasain pa ang kanyang talento sa pagkanta.

Kamakailan lamang ay nag-showdown siya kasama ang Asia’s Got Talent finalist na si Gwyneth Dorado sa Sunday All Stars.

READ: Jillian Ward and Gwyneth Dorado, pinabilib ang mga Kapuso 

Nakilala si Jillian sa mga hit series na Trudis Liit, Captain Barbell, My BFF at ngayon mapapanood siya sa Pari ‘Koy.

Video courtesy of GMA News