Celebrity Life

Megan Young, makakalaban sina Jaclyn Jose at Lauren Young sa 'Marimar'

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Handa na kayang makipagsampalan si Miss World 2013 Megan Young sa batikang kontrabida na si Jaclyn Jose at sa kanyang nakababatang kapatid na si Lauren Young?

Gaganap bilang Angelica Santibañez si Jaclyn Jose sa pinakahihintay na remake ng Marimar at mas matindi daw ang gagawin niya sa teleserye, “Dadalin ko sa look at saka i-fa-fine tune ko ‘yung mga ginawa kong kontrabida before. I-te-texturize ko [at] pipinuhin ko,” ani ng batikang aktres.

Si Lauren Young naman ay gaganap bilang Antonia, isang character na tinanggal sa unang remake ng sikat na Mexican telenovela. Siya ay magiging kasama ni Señora Santibañez sa pagtataray kay Mari Mar.

Naging epektibo ang pagganap ni Lauren bilang isang kontrabida sa Mundo Mo’y Akin dahil na rin sa tulong ng batikang aktres.

“Nakaka-excite kasi the last time I have worked with Tita Jane (Jaclyn Jose) was [in] Mundo Mo’y Akin. She was my mentor in the set. I’m so proud of that role because I had everyone’s help. Marami silang aabangan so that’s good!” saad ng nakababatang aktres sa panayam ng GMAnetwork.com.

Todo naman daw ang paghahanda ng dating beauty queen para sa title role na kanyang bibigyang buhay, “Although makakatulong din na manunuod ako nung kay Thalia and kay Marian, gusto ko rin syempre hindi masyado, para andun ‘yung sarili kong input sa teleserye.”

Sumasailalim ang aktres sa mga dancing workshops dahil naging tatak na ng character ni Marimar ang pagsasayaw. Aniya, “Minsan may ginagawa ako sa bahay na parang trip lang. Sa harap ng salamin [sumasayaw ako] pero nag-wo-workshop din ako para masigurado tama ang paggalaw.”

READ: Megan Young, handa nang gumanap bilang si Marimar

Naikuwento naman ni Lauren na ito ang unang beses na makakatrabaho niya ang kanyang ate at halo-halo ang kanyang nararamdaman.

“It’s scary, it’s exciting! [Definitely], it’s exciting because I don’t know how my sister works [and] I’ve never worked with her ever. But I think it’s the right time because now we’re both kind of mature. It would be nice to have someone there to hold your hand and support you [parang] lagi kang may kasama,” saad ni Lauren.

Dagdag pa niya na ito ang pinaka-una at pinakamalaking proyekto pagkatapos bumalik ng kanyang kapatid sa showbiz. Aniya, “I’m proud of her because she’s been taking all the precautions already. Nag-wo-workshops na siya, acting workshops together with dance, and I think she’s going to do diving lessons as well so at least [she is] not only focused on one part of the show, she’s doing it as a whole.”

Abangan muli ang Marimar sa nalalapit na pag-ere nito sa GMA Telebabad.