Celebrity Life

Marian Rivera, gustong magkaroon ng maraming anak kay Dingdong Dantes

By AL KENDRICK NOGUERA



"Gusto ko nga, basketball team kami eh. Gusto ko marami," 'yan ang pahayag ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang tanungin siya ni Arnold Clavio kung payag ba siya sa birth control.

Ayon kay Marian, hindi raw talaga siya sang-ayon sa tinatawag na birth control tulad ng ligate at vasectomy. Ang mga paraang ito ay pipigil sa karapatan ng isang babae o lalaki na makapag-anak.

"Ayoko ng birth control. Ayoko," confident na sagot ni Marian.

Kuwento ni Marian, minsan daw ay napag-usapan nila ng asawang si Dingdong Dantes ang tungkol sa pagpaplano para sa kanilang ikalawang baby. Aniya, "Sabi nga ng asawa ko, pagkatapos mong manganak, pahinga ka muna tapos saka ulit tayo mag-baby."

"Sabi ko hindi. Kung bibigyan tayo ng Panginoon ulit, eh why not eh 'di sunod-sunod na every year. Sayang naman," dagdag niya.

READ: DongYan, natupad ang gustong maging gender ng unang baby 

Gusto raw talaga ni Marian ng isang malaking pamilya dahil ipinagkait ito sa kanya. "Pangarap ko rin ng maraming anak dahil solong anak ako eh. Kaya gusto ko ng mas marami [para] mas masaya," pagtatapos niya.