Celebrity Life

Julie Anne San Jose may mensahe sa mga fans nina Jake Vargas at Bea Binene

By AEDRIANNE ACAR & MERYL LIGUNAS



Marami ang nakakapansin na higit na gumanda at sumi-sexy ang Pepito Manaloto teen idol na si Julie Anne San Jose. Makikita sa mga larawan ni Julie sa Instagram na mas confident na ito ngayon na ipakita ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Kaya hindi tuloy maiwasan na matanong ang dalaga kung may love life na ang 21-years-old singer-actress dahil todo ang pagpapaganda niya.

Sa pocket presscon para sa kanyang pinakabagong music video na ‘Tidal Wave,’ inusisa ng mga miyembro ng press kung may chance ba na maging sila ng co-star niya sa Pepito Manalato na si Jake Vargas?

Sagot ni Julie Anne, “That I don't know pero hindi naman po ako nagsasara ng pintuan kasi hindi ko naman alam 'yung pwedeng mangyari pero like ngayon, I'm okay with working with Jake,”

Sila ngayon ang isinusulong ng Kapuso Network na pinakabagong love team dahil magsasama ang dalawa sa Afternoon Prime series na Buena Familia.

Pero nilinaw ni Julie Anne na iniisip din niya ang mararamdaman ng mga fans nila Jake at Bea Binene (JaBea).

Paliwanag ni Julie, “Ayoko din naman po na alam mo 'yun, may masabi rin 'yung ibang fans ni Jake. Kasi syempre may mga JaBea, ayoko naman po maki-barge in.”

Dagdag ng aktres, “Basta ako focused ako sa trabaho.”

More features on Julie Anne and Jake Vargas:
Yummy na, funny pa!
Seven things we love about Julie Anne San Jose
ChiNikki's kilig throwback