Celebrity Life

Lovi Poe, handa na para sa kakaibang role sa 'Beautiful Strangers'

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Masayang masaya daw si Lovi Poe nang ialok sa kanya ang isa sa mga leading roles ng bagong Telebabad drama series na Beautiful Strangers.

"After hearing about the story, it's something that I really want to do. Thankful ako dahil pinagkatiwalaan nila ko sa ganitong klaseng role," pahayag ni Lovi sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Desidido ang Kapuso beauty na pagbutihin ang kanyang pagganap bilang pagpapasalamat sa tiwala na ibinigay sa kanya ng GMA at dahil hindi pa niya nasusubukan ang ganitong role.

"I love it. It's very challenging. It's physically and emotionally tasking," paglalarawan nito sa kanyang karakter.

Si Lovi ang gaganap bilang si Joyce, simpleng babae na minsang nangarap ng magandang buhay. Ngunit dahil sa isang 'di pagkakaintindihan, masisira ang maganda niyang simula. Babalik siya upang singilin ang taong nagnakaw ng malaking parte ng kanyang buhay.

WATCH: Revenge is coming

"Madaming changes. It's not just one kind of character I'm gonna portray the whole time. Siguro, I have four. Iba-iba," dagdag pa ng morena beauty.

Abangan ang natatanging pagganap ni Lovi sa Beautiful Strangers, malapit ng mapanood sa GMA.