Showbiz News

Dingdong Dantes, naghuhugas ng pinggan para kay Marian Rivera

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO COURTESY of FACEBOOK.COM/TONIGHTWITHARNOLDCLAVIO


Lingid sa kaalaman ng karamihan, walang kasamang kasambahay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ayon mismo sa Kapuso Primetime Queen, silang dalawa lang ang nakatira ngayon sa kanilang bahay.

READ: Is DongYan moving into a new home?

"Kasi ngayon sa bahay namin kaming dalawa lang eh. Wala kaming yaya eh," bahagi ni Marian sa kanyang guesting sa Tonight With Arnold Clavio.

Kuwento pa ni Marian, kung dati raw ay siya ang gumagawa ng gawaing bahay, ngayon daw ay ayaw na siyang pakilusin ni Dingdong dahil sa kanyang pagbubuntis.

LOOK: Marian Rivera: Pregnant and Stylish

"Ngayon na buntis ako, ni isang pinggan [ay] wala akong hinuhugasan. Siya [ang ang naghuhugas]," pagtukoy niya sa Pari 'Koy star.

Pero ayon kay Marian, hindi raw siya kayang pigilin ni Dingdong sa kanyang hilig gawin sa kusina, ang pagluluto.

Ano ba ang hilig lutuin ni Marian ngayong ipinagbubuntis niya ang kanilang baby girl? "Mahilig kasi akong magluto ng mga Pilipinong pagkain. Talagang 'yan ang masasabi ko na hilig ko talaga. Minsan nga may niluluto ako na hindi alam ni Dong eh. Sabi ko, pang-Cavite 'yan," natatawa niyang sagot.

READ: It's a girl for Dingdong Dantes and Marian Rivera

Isa raw sa kanyang special recipe at paborito rin ni Dingdong ay ang menudo na itinuro pa ng kanyang lola. "Kasi 'yung menudo ng lola ko, ni isa sa mga anak niya wala siyang tinuruan kung ano'ng sikreto roon. Sa akin lang niya itinuro," ani Marian.

READ: Marian Rivera, mas gusto ang buhay bilang Mrs. Dantes