Celebrity Life

Megan Young to sister Lauren: 'Kung kailangan mo kong sabunutan, sabunutan mo ako!'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Hindi lamang ang pagganap ni Megan Young bilang title role ang dapat abangan sa Marimar, kungdi pati na rin ang magiging papel ng kapatid niyang si Lauren. Gaganap ang mas nakababatang Young bilang si Antonia, isa sa mga magpapahirap kay Mari Mar.

READ: Ang mga kontrabida sa Marimar 

Handa na ba si Megan na api-apihin ng kanyang kapatid?

"Prepared na ako kasi everyday, kontrabida siya ng buhay ko (laughs)," patawa niyang sagot sa GMANetwork.com.

Aniya, looking forward siyang makita kung gaano talaga kagaling sa pagiging kontrabida si Lauren.

"We have our misunderstandings so sanay na siguro ako, pero ibang klase siguro kasi siyempre she's a portrayalist - more over the top, she'll be more mean. She can be very sweet, but when she's acting she becomes a whole different person. I'm very excited na makita ang side na 'yun."

Napag-usapan na rin daw nila sakaling humantong sa pagiging physical ang kanilang confrontation scenes.

"We talked about it. Ako nga ang ate niya, pero I think here, parang dapat halos magka-age kami. Sabi ko, just do what you have to do. Kung kailangan mo kong sabunutan, sabunutan mo ako!"