Celebrity Life

Carla Abellana, gusto ring makatrabaho si Fernando Carillo ng 'Rosalinda'

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Nagbigay ng pahayag ang sikat na Venezuelan actor na si Fernando Carillo na gusto niyang makatrabaho sina Kapuso actors Carla Abellana at Geoff Eigenmann.
 

Nang makarating kay Carla ang balita, inamin niyang na-flatter siya sa sinabi ni Fernando. Matatandaang si Carla ang gumanap bilang Rosalinda sa Filipino adaptation ng hit Mexicanovela samantalang si Fernando naman ang nagbigay-buhay sa orihinal na Fernando Jose.
 
Ayon sa report ng 24 Oras, game daw si Carla kung sakaling alukin talaga siya ni Fernando sa isang proyekto. Kahit anong role nga raw ay hindi niya tatanggihan.
 
Na-amaze din daw si Carla dahil hindi mukhang 45 taong gulang ang Venezuelan actor. "Ako I agree with my mom. Sabi ko, he's aging very well. At least naaalagaan niya 'yung sarili niya at his age. People still look up to him tapos kilala pa rin siya," pagtatapos niya.
 
READ: Fernando Carillo, gustong gumawa ng pelikula kasama si Manny Pacquiao