Celebrity Life

Manny Pacquiao at Fernando Carillo ng 'Rosalinda,' posibleng magsama sa isang pelikula

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Mukhang matutupad ang hiling ng original Fernando Jose ng hit Mexicanovela noon na Rosalinda
 

Ilang araw na naririto sa Pilipinas si Fernando Carillo at nais niya raw makausap si Pambansang Kamao Manny Pacquiao tungkol sa isang proyekto.
 
READ: Fernando Carillo ng 'Rosalinda,' gustong gumawa ng pelikula kasama si Manny Pacquiao
 
Ayon sa report ng 24 Oras, mainit na tinanggap ni Pacman ang Venezuelan actor sa kanyang bahay para pag-usapan ang inaalok niyang pelikula. Isa na kasi ngayong producer ang 45-year-old actor.
 
"Manny and I [can] relate because I think we have a lot of similarities and that we want to help," pahayag ni Fernando.
 
Mukhang hindi naman aatras si Pacquiao sa alok ni Fernando. "Hopefully [ay] matuloy 'yan," saad niya.
 
Bukod kay Pacman, nais din daw ni Fernando na makatrabaho ang ilang Filipino celebrities. "It would be an honor to work not only with Carla [Abellana] but also with so many talented Pinoy artists," aniya.
 
READ: Carla Abellana, gusto ring makatrabaho si Fernando Carillo ng 'Rosalinda'
 
Pagkatapos ng pag-uusap ay nag-jamming muna ang dalawa at kinanta ang Imagine ni John Lennon. Bukod pa rito, hindi rin daw umalis si Fernando sa bahay ni Pacquiao nang hindi siya natututong magsalita ng Filipino. "Maraming salamat po, mga Kapuso," hirap na pagbigkas ni Fernando.
 
WATCH: Manny Pacquiao, tinuruang mag-Tagalog si Fernando Carillo