Celebrity Life

Aiai Delas Alas, napabili ng mamahaling bag dahil kay Marian Rivera

By MICHELLE CALIGAN


 
Kahit sikat at malayo na ang narating sa buhay, hindi raw talaga mahilig sa mga mamahaling gamit si Let the Love Begin star Aiai Delas Alas.
 
LOOK: Aiai's US home
 
Sa katunayan, first time daw niyang makabili ng mamahaling Hermes bag, at dahil pa raw ito sa mungkahi ng kanyang 'kambal' na si Marian Rivera.
 
"Hindi naman ako mahilig sa ganun, kaya lang tinuturuan niya ako. Kaya sige, why not, try ko naman," patawa niyang kuwento sa pocket press conference ng Let the Love Begin.
 
Dahil limang buwang buntis na ang Kapuso Primetime Queen, tinanong ng entertainment press kung humingi ba ito ng pregnancy tips sa kanya.
 
"Hindi. Ako ang humihingi sa kanya ng tips sa pag-aalaga ng mga bag. Bumili kasi ako ng Hermes. Eh siya ang marunong sa ganun, hindi naman ako marunong ng ganun eh. Ngayon pa lang ako nagkaroon."
 
Ilang Hermes ba ang binili niya?
 
"Isa lang! Hindi naman ako ganun, hindi ko kaya 'yun."