Celebrity Life

Lovi Poe, makakasama sina Rocco Nacino at Paulo Avelino sa 'Lakambini'

By BEA RODRIGUEZ



Gaganap bilang Gregoria de Jesus ang Kapuso actress na si Lovi Poe sa indie film na Lakambini kung saan makakatambal niya ang mga award-winning actors na sina Rocco Nacino at Paulo Avelino.

READ: Lovi Poe to depict Andres Bonifacio’s wife in indie film 

Bibigyang buhay ng aktres si “Oryang,” ang babaeng tinataguriang “Lakambini” noong panahon ng mga Kastila habang gagampanan naman ni Rocco ang papel ng kanyang unang asawa na si Andres Bonifacio. Si Paulo Avelino naman ang gaganap sa kanyang ikalawang asawa na si Julio Nakpil.

Masaya si Lovi na makakasama niya ang kanyang boyfriend at kaibigan sa historical biopic na ito. Saad niya sa kanyang Instagram post, “Glad to be working with 2 of this generation’s fantastic award-winning actors! Not to mention, 2 of my favourite men.”



Ginawa ang pelikula para magbigay karangalan sa ika-140th birth anniversary ni Oryang at sa 40th founding anniversary ng Philippine Commission on Women (PCW).

Matutunghayan din sina Lovi at Rocco sa Beautiful Strangers na mapapanood na ngayong Hulyo sa GMA Telebabad.

READ: Lovi Poe starts taping for Beautiful Strangers