Celebrity Life

Jennylyn Mercado, hindi inimbita si Dennis Trillo sa FHM victory party

By BEA RODRIGUEZ



Balik tambalan man ang dating magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa My Faithful Husband, hindi naman daw inimbita ng aktres ang kanyang ex-boyfriend sa kanyang nalalapit na pagrampa sa victory party ng FHM.

READ: Jennylyn Mercado, finally crowned sexiest in 2015 

Hindi rin daw siya nililigawan ng aktor. Saad ni Jen sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, “Hindi… Hindi pa. (laughs) Walang nangyayari. Sa ngayon, talagang focus ako sa career ko and sa buhay ko.”

Ngayong hinirang na siyang sexiest for the first time, inilahad ng aktres na sexy pero classy ang kanyang isusuot upang ipakita ang kanyang pinaghirapan na katawan. Pero inamin ng aktres na kabado raw siyang rumampa sa event.

LOOK: 10 photos that show why Jennlyn Mercado is the sexiest woman alive 

“Actually, mas nandun ‘yung pressure kasi kailangan flawless eh [at] kailangan hindi makikitaan talaga ng wardrobe malfunction. ‘Di ba? Mahirap eh. Kailangan talaga, tutok na tutok ako dun sa bawat detalye,” ang pahayag ng aktres habang nasa victory party na binuo ng kanyang supporters at kaibigan.