Celebrity Life

Solenn Heussaff, kinikilig sa ideya na makakatambal si Fernando Carillo sa 'Marimar'

By BEA RODRIGUEZ



Kabilang ang Kapuso star na si Solenn Heussaff sa second Filipino remake ng Marimar.

Excited na raw siya dahil posibleng makakasama niya ang Venezuelan international actor na si Fernando Carillo. Kinilig si Sol at pabirong sinabi sa report ni Cata Tibayan sa 24 Oras, “Lalandiin ko siya, (laughs). I think he’ll be my partner…para English.”

Dahil kaliwa’t kanan ang kanyang showbiz commitments, may oras pa ba ang aktres para sa mga preparasyon para sa kanyang kasal sa Argentinian fiancé na si Nico Bolzico? “’Di pa ako nagpa-plan,” ayon kay Sol. 



Mula nang ma-engage ang sexy actress, pinipili niya na raw ang mga proyekto na tatanggapin lalo na ang may mga makabuluhang mensahe. Aniya, “Mas kailangan na to choose carefully and make sure na hindi lang kung anu-ano ‘yan. I want it to be strong…the message.”

Sa kasalukuyan, mag-ho-host siya ng bagong travel show ng GMA News TV, ang Trip Pilipinas habang bibida din siya sa nalalapit na pelikula niyang Flotsam.

Kahit busy ang soon-to-be-misis, nakuha pa rin niyang isingit ang kanilang prenuptial photo shoot lalo na magbakasyon kasama ang kanyang fiancé sa France at Israel. Saad niya, “Kasal ng good friend ko kaya nandun kami.”