Celebrity Life

Marian Rivera, inaming nanghihinayang sa 'The Rich Man's Daughter'

By AL KENDRICK NOGUERA

Maraming nagbago sa buhay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera mula nang malaman niyang ipinagbubuntis niya ang baby girl nila ni Dingdong Dantes. Ayon sa kanya, isa raw sa pinaka apektado ay ang kanyang career bilang isang aktres.


Matatandaang hindi itinuloy ni Marian ang Telebabad soap na The Rich Man's Daughter dahil delikado ang first trimester ng pagbubuntis. Dahil dito, pinalitan siya ni Rhian Ramos na siyang gumaganap ngayon sa role ni Jade Tanchingco.

READ: Marian Rivera has withdrawn from her upcoming program 'The Rich Man's Daughter' 

Sa kanyang guesting sa Tonight With Arnold Clavio kamakailan, inamin ni Marian na nahirapan din siyang i-let go ang Telebabad soap.

"Well to be honest, naging mahirap para sa 'kin, kasi pinaghandaan ko ito. Ang dami kong bonding din sa cast tapos nag-one on one din kami ng direktor. May mga kaibigan din ako na bisexuals na kinausap ko kung paano ang treatment na kailangan," ani Marian.

Ready na rin daw sana sila ni Glaiza de Castro sa kanilang intimate scenes bilang love team. "So pinaghandaan ko talaga siya especially with Glaiza, nag-uusap talaga kami kung ano'ng gagawin namin especially kapag nagkaeksena na kami. Kasi may na-shoot na kami eh. Kung paano 'yung gagawin namin na 'oh hawakan mo ako rito ah,' o 'ganito dapat ah.' So may mga ganung moment na rin kami," saad niya.

Wala na raw talagang magawa si Marian noon, kung 'di kausapin ang pumalit sa kanya na si Rhian Ramos. Aniya, "Mahirap para sa 'kin. Kaya nga sabi ko sa pumalit sa akin, isa lang ang hiling ko, mahalin niya 'yung show, kasi mahal ko 'yung show."

READ: Rhian Ramos, nagpaalam muna kay Marian Rivera bago sumabak sa 'The Rich Man's Daughter'