advertisement
Celebrity Life

'Badjao Girl' Rita Gaviola, nakapagtapos na ng senior high school

1 of 15

Rita Gaviola

Nagsimulang makilala si Rita Gaviola nang mag-viral ang larawan niya sa social media na nakuhanan mula sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon noong May 2016.

2 of 15

Badjao Girl

Dahil dito, binansagan siyang "Badjao Girl."

3 of 15

Limos

Kasa-kasama niyang nanlilimos ang kanyang nakababatang kapatid. Ginalugad nila ang bawat lansangan para makalikom ng pera para may pangkain. Ni pambili ng tsinelas ay wala si Rita kaya tiniis niyang mamalimos nang nakatapak sa mainit na kalsada.

advertisement
4 of 15

Breadwinner

Tumayong breadwinner si Rita ng kanyang pamilya. May pito siyang kapatid. Ang kanyang ina ay hindi nakapag-aral, samantalang ang kanyang ama ay isang mangingisda.

5 of 15

Kahirapan

Namulat sa kahirapan si Rita at bata pa lang ay natuto nang mamalimos sa daan. Hindi alintana ni Rita ang panganib ng pamamalimos sa kalsada para may maiuwing pagkain para sa kanyang mga kapatid. Pagbabalik-tanaw niya, "Nakikita ko ganito pala 'yung hirap. Hindi ako takot (mamalimos) kasi may mga kapatid pa po ako na mga umaasa sa 'kin kasi nakikita ko po 'yung hirap ng mga magulang ko. So inisip ko po, ayaw ko po dumagdag. Parang iniisip ko, dagdag gastusin ako, pakainin ako sa bahay. Para sa 'kin, kahit napakabata ko pa po, nagtatrabaho na 'ko, nag-start na 'ko mamalimos."

6 of 15

Judgment

Lahat na ng paghihirap ay tila naranasan na ni Rita. Naranasan na rin niyang hulihin ng pulis dahil pinaghihinalaan silang sindikato at nakatanggap ng masasakit na salita. Ani Rita, "Sinabihan ako na 'ang lakas-lakas mo. Dinadala mo pa 'yung bata. Ano ba kayo, mga sindikato?' 'Yung gano'ng words po. Parang sa 'min, sana hindi n'yo po maranasan 'yung buhay namin."

advertisement
7 of 15

Pangarap

Pangarap ni Rita na makapagtapos ng pag-aaral. Nabanggit niya sa kanyang YouTube vlog na nangarap siyang maging flight attendant at makapagtapos sa kursong criminology.

8 of 15

Model

Ang viral niyang larawan ang nagbukas sa kanya ng mga maraming oportunidad. Dahil sa kanyang exotic beauty at balingkinitan na katawan, papasa siyang maging modelo.

9 of 15

Proud Badjao

Patunay na lang ang larawang ito kung saan litaw ang ganda ni Rita na isang proud Badjao.

advertisement
10 of 15

More opportunities

Marami ang nagbago sa buhay nila Rita nang kumalat ang kanyang larawan online. Aniya, "Sobrang nagbago po kasi, unang-una, 'yung papa ko nabigyan po ng trabaho. Pangalawa, hindi po kami namomroblema sa araw-araw. Pambaon po dati ako po 'yung binibigyan, ngayon ako na nagbibigay sa mga kapatid ko. Saka hindi na po nila nararanasan matulog sa kalye. Ang sarap ng buhay nila ngayon kasi kahit papa'no no'ng pandemic, nakaka-survive kami, nakakapagbigay pa rin ako sa kanila. Nasa province po sila lahat, nasa Lucena."

11 of 15

Beauty pageant

Dahil marami ang humahanga sa kanyang natural na kagandahan, minsan nang pinangarap ni Rita ang pagsali sa Miss Universe Philippines.

12 of 15

Endorsements

Nagkaroon din ng endorsements si Rita na karamihan ay skincare brands.

advertisement
13 of 15

Regalo

Nakuha na rin niyang regaluhan ang kanyang ama ng pinapangarap nitong motorbike na nagkakahalagang Php 100,000. "Kahit wala na 'ko nabibili para sa sarili ko, 'yung naiipon ko hindi gaano kalaki pero nakakatulong po ako."

14 of 15

Proud mother

Isa na ngayong proud nanay si Rita, 19. Makikita sa kanyang social media accounts ang kanyang pagiging hands-on mom sa anak niyang si Kia. Aniya, gagawin niya ang lahat para hindi nito maranasan ang paghihirap na dinanas niya noon.

15 of 15

Negosyo

Matapos mabiyayaan ng endorsements at iba pang proyekto, patuloy ang pamamayagpag ng career ni Rita. Sa katunayan, isa na rin siyang negosyante ngayon. Siya at ang kanyang partner ay nagmamay-ari na ng isang food business. Bahagi ni Rita, "Noong simula kong pasukin 'yung pagiging celebrity, grinab ko na 'yung opportunity na sana magtuloy-tuloy na para 'yung mga kapatid ko, 'di na nila kailangan mangutang, 'di na kailangan pumunta sa kalye para mamalimos ulit. Unti-unti kaming nakaka-survive."

advertisement