Isa ang 14-year-old na ballerina at classical singer na si Selina Griffin sa mga ipinakilalang miyembro ng Sparkle Teens kamakailan.
Mailalalrawan siya bilang newest young charmers and soon-to-be big stars of Sparkle GMA Artist Center.
Kilalanin pa ang bagong aabangang talented young star ng GMA na si Selina rito:
Ang 14-year-old na si Selina Griffin ay mula sa Laguna.
Ipinakilala si Selina na "ballerina and classical singer" of Sparkle Teens.
World-class performer si Selina dahil lumaban na siya sa iba't ibang kumpetisyon. Ilan sa mga napanalunan na ni Selina ay ang 1st place diamond score sa ballet solo, 1st place diamond score sa contemporary solo, at 1st place diamond score sa lyrical solo sa Get the Beat 2023 International Dance Tour.
Bago pa siya ipakilala sa Sparkle Teens, miyembro rin siya ng P-Pop Girl Group na SMS ng Enchanted Kingdom.
Ayon kay Selina, ide-describe niya ang kaniyang sarili bilang confident, charismatic, at artistic young star.
Ilan sa fun facts na inilahad ni Selina ay nagturo siya ng ballet sa edad na 11 years old.
Gusto ipakita ni Selina ang kaniyang talento sa pagkanta at pagsayaw sa mga manonood.
Abangan ang mga future projects ng "Ballerina and classical singer" of Sparkle Teens na si Selina soon sa GMA Network.