advertisement
Celebrity Life

The quiet life of Shaina Magdayao

1 of 15

Shaina Magdayao

Bata pa lamang nang magsimula si Shaina Magdayao sa showbiz. Una siyang nakilala sa 1996 GMA drama series na 'Lyra,' kung saan pinarangalan siyang "Best New Female Television Personality" sa 10th PMPC Star Awards for Television.

2 of 15

25 years

Hindi maitatanggi na isa si Shaina Magdayao sa mahuhusay at kilalang aktres ng bansa. December 2022, ipinagdiwang ng aktres ang ika-25 taon niya sa showbiz.

3 of 15

Grateful

"Gosh. I'm still letting everything sink in. Inabot ng 25, akalain mo 'yun? After a few (failed) attempts to quit and run away from [showbiz], nandito pa rin ako and this wouldn't have been possible if it weren't for the people behind me. GMA for discovering me and believing in my tears and chubby cheeks when I was six years old. ABSCBN, my mother network and my Kapamilyas who raised me..." pasasalamat ni Shaina Magdayao sa selebrasyon ng ika-25 taon niya sa industriya.

advertisement
4 of 15

Projects

Ngayong taon, patuloy ang pagpasok ng acting projects ni Shaina Magdayao tulad ng serye at pelikula.

5 of 15

Business

Bukod sa showbiz career, abala na rin ngayon si Shaina Magdayao sa kaniyang negosyo, ang kaniyang lifestyle brand na Organized Chicas, na sinimulan niya noong 2021.

6 of 15

Hypothyroidism

Noong 2016, na-diagnose ng hypothyroidism si Shaina Magdayao dahilan ng pansamantalang paghinto niya sa social media at maging sa showbiz.

advertisement
7 of 15

Healthy lifestyle

Naging wake-up call kay Shaina Magdayao ang sakit niyang ito para baguhin ang kaniyang lifestyle at mas pangalagaan ang kaniyang kalusugan.

8 of 15

Unforgettable experience

Noong Enero, kasamang nagbakasyon ni Shaina Magdayao ang kaniyang pamilya sa Bali, Indonesia. Sulat niya, "Making memories and creating unforgettable experience with the girls!"

9 of 15

33rd birthday

Isang simpleng selebrasyon ang inihanda ni Shaina Magdayao kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan para sa kaniyang ika-33 taong kaarawan noong November 2022.

advertisement
10 of 15

Relationship

Sa isang virtual media conference noong December 2022, ibinahagi ni Shaina Magdayao na single pa rin siya.

11 of 15

2nd anniversary

Noong February 2023, ipinagdiwang ni Shaina Magdayao kasama ang business partner at childhood friend niyang si Niki Medina ang ikalawang taong anibersaryo ng kanilang local lifestyle brand na Organized Chicas. Sulat niya, "Looking forward to the next chapter of our OC stories tailored to success where we all continue to support sustainable and locally-made goods for everyone."

12 of 15

Lifestyle

Aktibo rin Shaina Magdayao sa pagdalo sa iba't ibang lifestyle event tulad na lamang ng yoga, sound healing bath, at sunset session na ito na naganap sa Alpas La Union.

advertisement
13 of 15

Social Media

Bukod sa memories, ginagamit ni Shaina Magdayao ang kanyang social media accounts sa pag-promote ng positivity, self at mental care.

14 of 15

Support

Malaki rin ang suporta ni Shaina Magdayao sa iba't ibang NGOs (Non-Governmental Organizations) na tumutulong sa mga kabataan, nasalanta ng kalamidad, at pangangalaga sa mga hayop.

15 of 15

Magdayao Marias

Ang mga kapatid ni Shaina Magdayao na sina Vina Morales, Sheryl, at ang kanyang pamangkin na si Sofia.

advertisement