Nakatanggap ng suporta ang Kapuso comedian-actor na si Paolo Contis mula sa kaniyang kapatid na si Carlo Contis sa kaniyang pagiging bagong Eat Bulaga host.
Nitong Lunes, June 5, sa pagbabalik-live ng itinuturing na longest running noontime show sa bansa, isa si Paolo sa mga ipinakilalang magpapatuloy ng nasabing programa kasama ang iba pang Kapuso stars na sina Buboy Villar, Betong Sumaya, XOXO, Legaspi twins na sina Mavy at Cassy Legaspi, at ang aktres na si Alexa Miro.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Carlo ang larawan ni Paolo habang nasa studio ng Eat Bulaga. Kalakip ng larawang ito ay ang mensahe niya para sa kaniyang kapatid.
Ayon kay Carlo, hindi biro ang ginawa ni Paolo na tanggapin agad ang trabaho bilang bagong host ng noontime show dahil hati ang opinyon ng maraming manonood sa malaking pagbabago sa noontime program at sa mga isyung kasalukuyang pinagdaraanan nito.
Aniya, “Congratulations Paolo! I am very proud of you! Not many people can do what you did. Accepting a job on short notice and making the most of it.”
Batid umano ni Carlo na tiyak na makatatanggap ng hate comments ang kapatid na aktor pero natutuwa din siya dahil naitawid ni Paolo nang maayos ang kaniyang unang araw bilang dabarkads.
“I know you took a lot of heat today. Maski ako pinadalhan ng feedback. Not all first days on the job are great. It will just get better from here,” ani Carlo.
“Stay strong brother from the same mother,” dagdag pa niya.
Samantala, sa “Chika Minute” report naman ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, sinabi ni Paolo na honored sila ng kaniyang mga kapwa bagong host ng Eat Bulaga na maging bahagi ng programa pero hindi nila planong palitan ang original hosts nito na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ.
Aniya, “Siyempre lilinawin lang naman natin, walang planong palitan, wala kaming chance palitan si Tito, Vic and Joey. Wala kaming chance dun.”
Ayon pa sa comedian-actor, tinanggap lamang nila ang trabahong inalok sa kanila upang makapagpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng mga pagbibigay papremyo sa mga manonood at tagasuporta ng programa.
“We were just called to work, to continue the show because ang gusto ng TAPE office na makapagbigay ng papremyo every day,” ani Paolo.
Dagdag pa niya, “I hope you give us a chance kasi at the end of the day pinatawag kami para tumulong sa tao, makapagpasaya ng tao. How can you say no to that?”
Sa inilabas naman na statement ng Television and Production Exponent Inc. o TAPE kamakailan, bagamat ikinalulungkot nila ang naging pag-alis ng TVJ, kinakailangan nilang magpatuloy sa pag-develop ng programa at magpasaya ng mga manonood.
“TAPE Inc. is saddened by the turn of events yesterday, May 31, but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA-7 Network, which has been their home for 28 years,” saad nila sa kanilang inilabas na statement.
“Patuloy ang dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso mula Aparri hanggang Jolo at sa buong mundo,” anila.
Dagdag pa ng TAPE Inc., “Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo. ”
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni GMA Network Senior Vice President na si Atty. Annette Gozon-Valdes na walang pinapanigan ang Kapuso network sa isyu na nangyayari ngayon sa pagitan ng TVJ at ng TAPE.
Aniya, “It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, its an internal issue between TVJ and TAPE Inc..”
Samantala, sa live episode ng longest-running noontime show, sinabi ni Paolo na marami pang pasabog ang kanilang inihanda na ikatutuwa ng maraming tagasubaybay ng programa.
KILALANIN ANG MGA BAGONG HOST NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO:
TV host and comedian Betong Sumaya is among the new hosts of 'Eat Bulaga.'
Betong started out as part of GMA Network's production team before becoming a TV host and comedian in 2003.
Actor and comedian Paolo Contis joins the new hosts of Eat Bulaga.
Paolo debuted in the entertainment industry as a child actor in the '90s.
A Kapuso since 2004, Paolo is one of the most established actors of his generation with several acting awards to his name.
Sparkle artist Cassy Legaspi is shining brighter now that she's with 'Eat Bulaga.'
With her bubbly persona, Cassy is surely going to bring in a lot of good vibes to 'Eat Bulaga.'
Mavy Legaspi is joining 'Eat Bulaga' along with her twin, Cassy.
Known for his acting and dancing talents, Mavy is set to showcase more by hosting 'Eat Bulaga.'
Actor and comedian Buboy Villar is here to brighten your day in 'Eat Bulaga.'
Buboy Villar started out as a child actor, appearing in the 2007 Kapuso show 'Super Twins.'
He is among the main hosts of 'Running Man PH.'