Ipinagdiriwang ng aktor na si John Estrada ang kanyang 50th birthday ngayong Martes, June 13.
Ngunit bago sumapit ang araw na ito, isang engrandeng party ang ginanap para sa selebrasyon ng kaarawan ng aktor.
Sa Instagram, ilang larawan na kuha ng Nice Print Photography ang ibinahagi ng asawa ng aktor na si Priscilla Meirelles tungkol sa naturang event.
Makikita sa mga larawan ang family photos nina John at Priscilla habang kasama ang kanilang anak na si Anechka.
Present din sa party ang mga anak ni John sa kanyang dating asawa, ang aktres na si Janice de Belen.
Bukod sa mga kaanak, present din ang ilang showbiz personalities sa 50th birthday party ng aktor na si John Estrada.
A night to remember para sa aktor na si John Estrada ang kanyang 50th birthday celebration.
Isa ito sa family photos nina John Estrada, Priscilla at kanilang anak na si Anechka na kuha sa mismong event.
Nakasama ni John Estrada na mag-celebrate ang kanyang mga anak sa kanyang ex-wife na si Janice de Belen. Sa larawang ito makikitang kasama nina Priscilla at John (gitna) sina (mula kaliwa) Yuan, Moira, Anechka, Ina, kasama ang boyfriend niyang si Jake Vargas, at Kaila.
Dumalo rin sa birthday party ni John Estrada ang matalik niyang kaibigang si Richard Gomez, kasama ang asawa niyang si Lucy Torres.
Spotted din sa event ang singer-actress na si Sharon Cuneta, kasama ang asawa niyang si former Senator Kiko Pangilinan.
Sa ilang larawan, makikitang sweet na sweet sina John Estrada at ang kanyang asawa na si Priscilla.